Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 2:48-51

LUCAS 2:48-51 ABTAG01

Nang siya'y makita nila ay nagtaka sila at sinabi sa kanya ng kanyang ina, “Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganito? Tingnan mo, ang iyong ama at ako ay naghahanap sa iyo na may pag-aalala.” Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” At hindi nila naunawaan ang salitang sinabi niya sa kanila. Umuwi siyang kasama nila, at dumating sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kanyang ina ang mga bagay na ito sa kanyang puso.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa LUCAS 2:48-51