Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 2:25-32

LUCAS 2:25-32 ABTAG01

Noon ay may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan na naghihintay sa kaaliwan ng Israel at nasa kanya ang Espiritu Santo. Ipinahayag sa kanya ng Espiritu Santo na hindi niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu ay pumasok siya sa templo. Nang ipasok ng mga magulang sa templo ang sanggol na si Jesus upang gawin sa kanya ang naaayon sa kaugalian sa ilalim ng kautusan, inilagay niya ang sanggol sa kanyang mga bisig, pinuri ang Diyos, at sinabi, “Panginoon, ngayon ay hayaan mong ang iyong alipin ay pumanaw na may kapayapaan, ayon sa iyong salita, sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, na iyong inihanda sa harapan ng lahat ng mga tao, isang ilaw upang magpahayag sa mga Hentil, at para sa kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa LUCAS 2:25-32