Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 19:28-40

LUCAS 19:28-40 ABTAG01

Nang masabi niya ang mga bagay na ito, nagpatuloy siya na umakyat tungo sa Jerusalem. Nang siya'y malapit na sa Betfage at Betania, sa bundok na tinatawag na Olibo, ay sinugo niya ang dalawa sa mga alagad, na sinasabi, “Pumunta kayo sa katapat na nayon at sa pagpasok ninyo roon, ay makikita ninyo ang isang nakataling batang asno na hindi pa nasasakyan ng tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin ninyo rito. At kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan? Ganito ang inyong sasabihin, ‘Kailangan siya ng Panginoon.’” Ang mga sinugo ay pumunta at natagpuan ang ayon sa sinabi niya sa kanila. Nang kinakalagan nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga may-ari nito, ‘Bakit ninyo kinakalagan ang batang asno?’ At sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.” Dinala nila ito kay Jesus at ipinatong nila ang kanilang mga damit sa batang asno at isinakay nila si Jesus doon. At samantalang siya'y nakasakay, inilalatag ng mga tao ang kanilang mga damit sa daan. Nang malapit na siya sa libis ng bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming mga alagad ay nagpasimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga makapangyarihang gawa na kanilang nakita, na sinasabi, “Mapalad ang Hari na dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit, at kaluwalhatian sa kataas-taasan!” Ilan sa mga Fariseo na mula sa maraming tao ay nagsabi sa kanya, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.” At sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo na kung tatahimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa LUCAS 19:28-40