At nang marinig niya ang maraming tao na dumaraan, nagtanong siya kung ano ang ibig sabihin nito. Sinabi nila sa kanya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret. At siya'y sumigaw, “Jesus! Anak ni David, maawa ka sa akin.” Siya'y sinaway ng mga nasa unahan at sinabihan siyang tumahimik. Subalit siya'y lalong nagsisigaw, “Anak ni David, maawa ka sa akin.” At si Jesus ay tumigil at ipinag-utos na dalhin ang tao sa kanya. Nang lumapit ito ay kanyang tinanong, “Anong ibig mong gawin ko sa iyo?” At sinabi niya, “Panginoon, ako sana'y muling makakita.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tanggapin mo ang iyong paningin; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At kaagad na tinanggap niya ang kanyang paningin at sumunod sa kanya, na niluluwalhati ang Diyos. Nang makita ito ng buong bayan ay nagbigay puri sila sa Diyos.
Basahin LUCAS 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 18:36-43
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas