Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 18:35-43

LUCAS 18:35-43 ABTAG01

Nang malapit na siya sa Jerico, isang bulag ang nakaupo sa tabi ng daan na namamalimos. At nang marinig niya ang maraming tao na dumaraan, nagtanong siya kung ano ang ibig sabihin nito. Sinabi nila sa kanya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret. At siya'y sumigaw, “Jesus! Anak ni David, maawa ka sa akin.” Siya'y sinaway ng mga nasa unahan at sinabihan siyang tumahimik. Subalit siya'y lalong nagsisigaw, “Anak ni David, maawa ka sa akin.” At si Jesus ay tumigil at ipinag-utos na dalhin ang tao sa kanya. Nang lumapit ito ay kanyang tinanong, “Anong ibig mong gawin ko sa iyo?” At sinabi niya, “Panginoon, ako sana'y muling makakita.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tanggapin mo ang iyong paningin; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At kaagad na tinanggap niya ang kanyang paningin at sumunod sa kanya, na niluluwalhati ang Diyos. Nang makita ito ng buong bayan ay nagbigay puri sila sa Diyos.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya