Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 17:12-17

LUCAS 17:12-17 ABTAG01

At sa pagpasok niya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin, na nakatayo sa malayo. Sila'y nagsisigaw at nagsabi, “Jesus, Panginoon, maawa ka sa amin.” Nang kanyang makita sila ay sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo at kayo'y magpakita sa mga pari.” Habang sila'y umaalis, sila ay nagiging malinis. Nang makita ng isa sa kanila na siya'y gumaling na, siya ay bumalik na pinupuri ng malakas na tinig ang Diyos. Siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus na nagpapasalamat sa kanya. Siya'y isang Samaritano. At nagtanong si Jesus, “Hindi ba sampu ang nalinis? Nasaan ang siyam?

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa LUCAS 17:12-17