Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 14:11-14

LUCAS 14:11-14 ABTAG01

Sapagkat ang bawat nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.” Sinabi rin naman niya sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan, huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, o ang iyong mga kapatid, o ang iyong mga kamag-anak, o mayayamang kapitbahay, baka ikaw naman ay kanilang anyayahan at ikaw ay gantihan. Subalit kung naghahanda ka ng piging, anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pilay, ang mga lumpo, ang mga bulag, at pagpapalain ka, sapagkat wala silang maigaganti sa iyo. Gagantihan ka sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa LUCAS 14:11-14