Si Zacarias na kanyang ama ay napuno ng Espiritu Santo at sinabi ang propesiyang ito, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat kanyang dinalaw at tinubos ang kanyang bayan, at nagtaas ng isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa sambahayan ni David na kanyang lingkod, gaya nang sinabi niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta mula noong unang panahon, upang tayo ay maligtas mula sa ating mga kaaway, at mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin, upang ipakita ang habag sa ating mga magulang, at alalahanin ang kanyang banal na tipan, ang pangakong sinumpaan niya sa ating amang si Abraham, na ipagkaloob sa atin, na tayong iniligtas mula sa kamay ng ating mga kaaway, ay maglingkod sa kanya nang walang takot, sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya sa lahat ng ating mga araw. At ikaw, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan, sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daan; upang magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa kanyang bayan, sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng magiliw na habag ng ating Diyos, kapag ang pagbubukang-liwayway buhat sa itaas ay sumilay sa atin, upang bigyang-liwanag ang mga nakaupo sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, upang patnubayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.”
Basahin LUCAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 1:67-79
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas