At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, sa isang pagsumpa. Siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomit, na anak ni Debri sa lipi ni Dan. Kanilang inilagay siya sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng PANGINOON. At nagsalita ang PANGINOON kay Moises, na sinasabi, “Dalhin mo ang manlalait sa labas ng kampo; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo, at hayaang batuhin siya ng buong kapulungan. At sasabihin mo sa mga anak ni Israel, “Sinumang lumait sa kanyang Diyos ay mananagot sa kanyang kasalanan. Ang lumapastangan sa pangalan ng PANGINOON ay tiyak na papatayin; at babatuhin siya ng buong kapulungan; maging dayuhan o katutubo sa lupain ay papatayin kapag nilapastangan ang Pangalan. Sinumang pumatay ng tao ay papatayin, at ang pumatay ng hayop ay magpapalit nito; buhay sa buhay. Kapag pininsala ng sinuman ang kanyang kapwa, gaya ng kanyang ginawa ay gayundin ang gagawin sa kanya, bali sa bali, mata sa mata, ngipin sa ngipin; ayon sa kanyang pagkapinsala sa tao, siya ay pipinsalain. Ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit nito at ang pumatay ng isang tao ay papatayin. Magkakaroon kayo ng isa lamang batas para sa dayuhan at para sa katutubo; sapagkat ako ang PANGINOON ninyong Diyos.” Nagsalita ng gayon si Moises sa mga anak ni Israel, at kanilang dinala ang taong nanlait sa labas ng kampo, at siya'y pinagbabato. At ginawa ng mga anak ni Israel ang ayon sa iniutos ng PANGINOON kay Moises.
Basahin LEVITICO 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LEVITICO 24:11-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas