Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 4:1-5

MGA PANAGHOY 4:1-5 ABTAG01

Malabo na ang ginto, nabago na ang dalisay na ginto! Ang mga banal na bato ay nakakalat sa dulo ng bawat lansangan. Ang mahahalagang anak ng Zion, na kasimbigat ng dalisay na ginto, ano't pinapahalagahan na waring mga sisidlang lupa, na gawa ng mga kamay ng magpapalayok! Maging ang mga asong-gubat ay naglalabas ng dibdib at nagpapasuso sa kanilang mga anak, ngunit ang anak na babae ng aking bayan ay naging malupit, parang mga avestruz sa ilang. Ang dila ng sumususong bata ay dumidikit sa ngalangala ng kanyang bibig dahil sa uhaw. Ang mga bata ay humihingi ng tinapay, ngunit walang taong nagpuputol nito sa kanila. Silang nagpapakasawa sa pagkain ay namamatay sa mga lansangan. Silang pinalaki sa kulay-ube ay nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi.