Mga Panaghoy 4:1-5
Mga Panaghoy 4:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kupas na ang kinang ng ginto, nagkalat sa lansangan ang mga bato ng Templo! Ang mga ipinagmamalaking kabinataan ng Jerusalem ay kasinghalaga ng lantay na ginto, ngunit ngayon ay para na lamang putik na hinugisan ng magpapalayok. Kahit mga asong-gubat ay nagpapasuso ng kanilang mga tuta, subalit ang aking bayan ay naging malupit, gaya ng mga ostrits sa kanilang mga inakay. Namamatay sa gutom ang mga batang pasusuhin; namamalimos ang mga bata, ngunit walang magbigay ng pagkain. Ang mga taong dati'y sagana sa pagkain dahil sa gutom ay namatay na rin. Ang dating mayayaman ay naghahalungkat, umaasang sa basurahan ay may mabubulatlat.
Mga Panaghoy 4:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan. Kung katulad sila ng tunay na ginto noon, ngayon namaʼy itinuturing na parang mga palayok na gawa sa putik. Kahit na ang mga asong-gubat ay pinasususo ang kanilang mga tuta, pero ang mga mamamayan koʼy naging malupit sa kanilang mga anak, gaya ng malalaking ibon sa disyerto. Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggol ang mga dila nila dahil sa uhaw. Humihingi ng pagkain ang mga bata pero walang nagbibigay sa kanila. Ang mga taong dati ay kumakain ng masasarap, ngayoʼy namamatay na sa gutom sa mga lansangan. Ang mga dating lumaking mayaman, ngayoʼy naghahalungkat ng makakain sa mga basurahan.
Mga Panaghoy 4:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Ano't ang ginto ay naging malabo! Ano't ang pinakadalisay na ginto ay nagbago! Ang mga bato ng santuario ay natapon sa dulo ng lahat na lansangan. Ang mga mahalagang anak ng Sion, na katulad ng dalisay na ginto, ano't pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa, na gawa ng mga kamay ng magpapalyok! Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso, nangagpapasuso sa kanilang mga anak: ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik, parang mga avestruz sa ilang. Ang dila ng sumususong bata ay nadidikit sa ngalangala ng kaniyang bibig dahil sa uhaw: ang mga munting bata ay nagsisihingi ng tinapay, at walang taong magpuputol nito sa kanila. Silang nagsisikaing mainam ay nangahandusay sa mga lansangan: silang nagsilaki sa matingkad na pula ay nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi.
Mga Panaghoy 4:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kupas na ang kinang ng ginto, nagkalat sa lansangan ang mga bato ng Templo! Ang mga ipinagmamalaking kabinataan ng Jerusalem ay kasinghalaga ng lantay na ginto, ngunit ngayon ay para na lamang putik na hinugisan ng magpapalayok. Kahit mga asong-gubat ay nagpapasuso ng kanilang mga tuta, subalit ang aking bayan ay naging malupit, gaya ng mga ostrits sa kanilang mga inakay. Namamatay sa gutom ang mga batang pasusuhin; namamalimos ang mga bata, ngunit walang magbigay ng pagkain. Ang mga taong dati'y sagana sa pagkain dahil sa gutom ay namatay na rin. Ang dating mayayaman ay naghahalungkat, umaasang sa basurahan ay may mabubulatlat.
Mga Panaghoy 4:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ano't ang ginto ay naging malabo! ano't ang pinakadalisay na ginto ay nagbago! Ang mga bato ng santuario ay natapon sa dulo ng lahat na lansangan. Ang mga mahalagang anak ng Sion, na katulad ng dalisay na ginto, Ano't pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa, na gawa ng mga kamay ng magpapalyok! Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso, nangagpapasuso sa kanilang mga anak: Ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik, parang mga avestruz sa ilang. Ang dila ng sumususong bata ay nadidikit sa ngalangala ng kaniyang bibig dahil sa uhaw: Ang mga munting bata ay nagsisihingi ng tinapay, at walang taong magpuputol nito sa kanila. Silang nagsisikaing mainam ay nangahandusay sa mga lansangan: Silang nagsilaki sa matingkad na pula ay nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi.