Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 2:10-13

MGA PANAGHOY 2:10-13 ABTAG01

Ang matatanda ng anak na babae ng Zion ay tahimik na nakaupo sa lupa. Sila'y nagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; at nagsuot ng damit-sako; itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa. Ang aking mga mata ay namumugto sa kaiiyak; ang aking kaluluwa ay naguguluhan; ang aking puso ay ibinuhos sa lupa dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan, sapagkat ang mga bata at mga pasusuhin ay nanghihina sa mga lansangan ng lunsod. Sila'y nag-iiyakan sa kanilang mga ina, “Nasaan ang tinapay at alak?” habang sila'y nanghihina na gaya ng taong sugatan sa mga lansangan ng bayan, habang ang kanilang buhay ay ibinubuhos sa kandungan ng kanilang mga ina. Ano ang aking maipapangaral sa iyo? sa ano kita ihahambing, O anak na babae ng Jerusalem? Sa ano kita itutulad, upang kita'y maaliw? O anak na dalaga ng Zion? Sapagkat kasinlawak ng dagat ang iyong pagkagiba; sinong makapagpapagaling sa iyo?