Ang bayan ay umahon mula sa Jordan nang ikasampung araw ng unang buwan, at humimpil sa Gilgal, sa hangganang silangan ng Jerico. Ang labindalawang bato na kanilang kinuha sa Jordan ay isinalansan ni Josue sa Gilgal. At siya'y nagsalita sa mga anak ni Israel, “Kapag itinanong ng inyong mga anak sa kanilang mga magulang sa panahong darating, ‘Anong kahulugan ng mga batong ito?’ Inyo ngang ipapaalam sa mga anak ninyo, na sinasabi, ‘Ang Israel ay tumawid sa Jordang ito sa tuyong lupa.’ Sapagkat tinuyo ng PANGINOON ninyong Diyos ang tubig ng Jordan sa harapan ninyo, hanggang sa kayo'y nakatawid, gaya ng ginawa ng PANGINOON ninyong Diyos sa Dagat na Pula, na kanyang tinuyo para sa amin hanggang sa kami ay nakatawid; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa na makapangyarihan ang kamay ng PANGINOON, upang sila'y matakot sa PANGINOON ninyong Diyos magpakailanman.
Basahin JOSUE 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOSUE 4:19-24
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas