Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOSUE 23:15-16

JOSUE 23:15-16 ABTAG01

Kaya't kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay na ipinangako ng PANGINOON ninyong Diyos ay nangyari sa inyo, ay gayundin dadalhin ng PANGINOON sa inyo ang lahat ng masasamang bagay, hanggang sa kayo'y mapuksa niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng PANGINOON ninyong Diyos. Kapag sinuway ninyo ang tipan ng PANGINOON ninyong Diyos na kanyang iniutos sa inyo, at humayo at naglingkod sa ibang mga diyos at yumukod sa mga iyon, ang galit ng PANGINOON ay mag-iinit laban sa inyo, at kayo'y kaagad na mapupuksa sa mabuting lupain na kanyang ibinigay sa inyo.”