JOSUE 21
21
Ang Bayan ng mga Levita
1Nang magkagayo'y lumapit ang mga puno ng mga sambahayan ng mga angkan ng mga Levita kay Eleazar na pari, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga puno ng mga sambahayan ng mga angkan ng mga lipi ng mga anak ni Israel.
2At#Bil. 35:1-8 sila'y nagsalita sa kanila sa Shilo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, “Ang Panginoon ay nag-utos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayang matitirahan, at mga pastulan para sa aming hayop.”
3Kaya't mula sa kanilang minana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga lunsod na ito pati ang mga pastulan nito, ayon sa utos ng Panginoon.
4Ang lupaing para sa mga angkan ng mga Kohatita ay nabunot. Kaya't ang mga Levita na anak ng paring si Aaron ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lipi ni Juda, at sa lipi ni Simeon, at sa lipi ni Benjamin ng labintatlong bayan.
5Ang nalabi sa mga anak ni Kohat ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga angkan ng lipi ni Efraim, at mula sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases ng sampung bayan.
6At ang mga anak ni Gershon ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga angkan ng lipi ni Isacar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan ng labintatlong bayan.
7Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay tumanggap mula sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zebulon ng labindalawang lunsod.
8At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng palabunutan ang mga lunsod na ito at ang mga pastulan nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
9Mula sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon ay kanilang ibinigay ang mga lunsod na ito na nabanggit sa pangalan,
10na napabigay sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Kohatita, na mga anak ni Levi; yamang sa kanila ang unang kapalaran.
11At ibinigay nila sa kanila ang Kiryat-arba, (si Arba ang ama ni Anak,) na siya ring Hebron, sa lupaing maburol ng Juda, pati ang mga pastulan nito sa palibot.
12Ngunit ang mga parang ng lunsod, at ang mga pastulan, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jefone bilang kanyang pag-aari.
13At sa mga anak ni Aaron na pari ay ibinigay nila ang Hebron, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay at ang mga nayon nito, at ang Libna pati ang mga pastulan nito;
14at ang Jatir pati ang mga pastulan nito, at ang Estemoa, pati ang mga pastulan nito;
15ang Holon pati ang mga pastulan nito, at ang Debir pati ang mga pastulan nito;
16ang Ain pati ang mga pastulan nito, at ang Juta pati ang mga pastulan nito, at ang Bet-shemes pati ang mga pastulan nito; siyam na lunsod sa dalawang liping iyon.
17At sa lipi ni Benjamin, ang Gibeon pati ang mga pastulan nito, ang Geba pati ang mga pastulan nito;
18ang Anatot pati ang mga pastulan nito, at ang Almon pati ang mga pastulan nito; apat na lunsod.
19Lahat ng mga lunsod ng mga anak ni Aaron na pari ay labintatlong bayan pati ang mga pastulan ng mga iyon.
20Tinanggap ng mga angkan ng mga anak ni Kohat, na mga Levita, samakatuwid ay ang nalabi sa mga anak ni Kohat, ang mga bayang ibinigay sa kanila ay mula sa lipi ni Efraim.
21Sa kanila'y ibinigay ang Shekem pati ang mga pastulan sa lupaing maburol ng Efraim, na lunsod-kanlungan para sa nakamatay, at ang Gezer pati ang mga pastulan nito,
22ang Kibsaim pati ang mga pastulan nito, at ang Bet-horon pati ang mga pastulan nito—apat na bayan.
23At sa lipi ni Dan, ang Elteke pati ang mga pastulan nito, Gibeton pati ang mga pastulan nito;
24ang Ailon pati ang mga pastulan nito, ang Gat-rimon pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
25At mula sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanac pati ang mga pastulan nito; at ang Gat-rimon pati ang mga pastulan nito—dalawang bayan.
26Lahat ng lunsod sa mga angkan ng nalabi sa mga anak ni Kohat ay sampu pati ang mga pastulan nito.
27At sa mga anak ni Gershon, isa sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay ang mula sa kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ang mga pastulan nito, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay; at ang Beestera pati ang mga pastulan nito—dalawang lunsod;
28at mula sa lipi ni Isacar, ang Kishion pati ang mga pastulan nito, ang Daberat pati ang mga pastulan nito;
29ang Jarmut pati ang mga pastulan nito, ang En-ganim pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod,
30at mula sa lipi ni Aser, ang Mishal pati ang mga pastulan nito, ang Abdon pati ang mga pastulan nito;
31ang Helcat pati ang mga pastulan nito, ang Rehob pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
32At mula sa lipi ni Neftali, ang lunsod-kanlungan na para sa nakamatay, ang Kedes sa Galilea pati ang mga pastulan nito, at ang Hamot-dor pati ang mga pastulan nito, at ang Cartan pati ang mga pastulan nito—tatlong lunsod.
33Lahat ng lunsod ng mga Gershonita ayon sa kanilang mga angkan ay labintatlong lunsod pati ang mga pastulan ng mga iyon.
34At para sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zebulon, ang Jokneam pati ang mga pastulan nito, at ang Karta pati ang mga pastulan nito,
35ang Dimna pati ang mga pastulan nito, ang Nahalal pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
36Mula naman sa lipi ni Ruben, ang Bezer pati ang mga pastulan nito, at ang Jaza pati ang mga pastulan nito.
37Ang Kedemot pati ang mga pastulan nito, at ang Mefaat pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.
38Mula sa lipi ni Gad, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay, ang Ramot sa Gilead pati ang mga pastulan nito, ang Mahanaim pati ang mga pastulan nito;
39ang Hesbon pati ang mga pastulan nito, at ang Jazer pati ang mga pastulan nito, lahat ay apat na lunsod.
40Tungkol sa mga lunsod ng ilan sa mga anak ni Merari samakatuwid ay ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita, ang ibinigay sa kanila ay labindalawang bayan.
41Lahat ng lunsod ng mga Levita sa loob ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apatnapu't walong bayan pati ang mga pastulan ng mga iyon.
42Ang mga lunsod na ito ay may kanya-kanyang pastulan sa palibot ng mga iyon, gayundin sa lahat ng mga bayang ito.
43Kaya't ibinigay ng Panginoon sa Israel ang lahat ng lupain na kanyang ipinangakong ibibigay sa kanilang mga ninuno; at nang kanilang matanggap ay nanirahan sila doon.
44At binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa bawat panig, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno, wala ni isa sa lahat ng kanilang mga kaaway ay nagtagumpay sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang kaaway sa kanilang kamay.
45Wala ni isa sa lahat ng mabubuting pangako na ginawa ng Panginoon sa sambahayan ng Israel ang hindi natupad; lahat ay nangyari.
Kasalukuyang Napili:
JOSUE 21: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001