Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOSUE 1:10-18

JOSUE 1:10-18 ABTAG01

Nang magkagayo'y nag-utos si Josue sa mga pinuno ng bayan, na sinasabi, “Kayo'y pumasok sa gitna ng kampo at ipag-utos sa mga tao, na sinasabi, ‘Maghanda kayo ng baon sapagkat sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang pumasok at angkinin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng PANGINOON ninyong Diyos.’” Sinabi ni Josue sa mga Rubenita, sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, “Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng PANGINOON, na sinasabi, ‘Binibigyan kayo ng lugar ng kapahingahan ng PANGINOON ninyong Diyos, at ibibigay sa inyo ang lupaing ito.’ Ang inyong mga asawa, mga bata, at mga hayop ay mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan; ngunit lahat ng mandirigma ay tatawid na may sandata sa harapan ng inyong mga kapatid, at tutulungan sila; hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng PANGINOON ang inyong mga kapatid na gaya ninyo, at maangkin nila ang lupaing ibinibigay sa kanila ng PANGINOON ninyong Diyos. Kung magkagayo'y babalik kayo sa lupain na inyong pag-aari, at inyong aariin, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng PANGINOON sa kabila ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.” At sila'y sumagot kay Josue, na sinasabi, “Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin, at saan mo man kami suguin ay pupunta kami. Kung paanong pinakinggan namin si Moises sa lahat ng mga bagay, ay gayon ka namin papakinggan. Sumaiyo nawa ang PANGINOON mong Diyos na gaya kay Moises. Sinumang maghihimagsik laban sa iyong utos, at hindi makikinig sa iyong mga salita sa lahat ng iyong iniuutos sa kanya ay ipapapatay; magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti.”