Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOEL 2:25-32

JOEL 2:25-32 ABTAG01

“Aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng kuyog na balang, ng gumagapang na balang, at ng maninirang balang, at ng nagngangatngat na balang na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo laban sa inyo. “Kayo'y kakain nang sagana at mabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng PANGINOON ninyong Diyos, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at ang aking bayan ay hindi na muling mapapahiya. At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel, at ako ang PANGINOON ninyong Diyos, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi na muling mapapahiya. PANGINOON “At mangyayari pagkatapos nito, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay magsasalita ng propesiya, ang inyong matatanda ay mananaginip ng mga panaginip, ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain. At maging sa mga lingkod na lalaki at babae ay ibubuhos ko sa mga araw na iyon ang aking Espiritu. “At ako'y magbibigay ng mga tanda sa langit at sa lupa, dugo, apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng PANGINOON. At mangyayari na ang sinumang tumatawag sa pangalan ng PANGINOON ay maliligtas, sapagkat sa bundok ng Zion at sa Jerusalem ay pupunta ang mga nakatakas, gaya ng sinabi ng PANGINOON, at kabilang sa mga naligtas ay yaong mga tinatawag ng PANGINOON.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa JOEL 2:25-32