Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 5

5
Si Job ay Itinuwid ng Diyos
1“Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?
At kanino sa mga banal ka babaling?
2Tunay na pinapatay ng pagkayamot ang taong hangal,
at pinapatay ng panibugho ang mangmang.
3Nakakita na ako ng hangal na nag-uugat,
ngunit bigla kong sinumpa ang kanyang tirahan.
4Ang mga anak niya ay malayo sa kaligtasan,
sila'y dinudurog sa pintuan
at walang magligtas sa kanila isa man.
5Ang kanyang ani ay kinakain ng gutom,
at kinukuha niya ito maging mula sa mga tinik,
at ang bitag ay naghahangad sa kanilang kayamanan.
6Sapagkat ang paghihirap ay hindi nanggagaling sa alabok,
ni ang kaguluhan ay sumisibol man sa lupa;
7kundi ang tao ay ipinanganak tungo sa kaguluhan,
kung paanong ang siklab, sa itaas ay pumapailanglang.
8“Ngunit sa ganang akin, ang Diyos ay aking hahanapin,
at sa Diyos ko ipagkakatiwala ang aking usapin,
9na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at hindi maintindihan,
mga kamanghamanghang bagay na hindi mabilang,
10nagbibigay siya ng ulan sa lupa,
at nagdadala ng tubig sa mga bukid;
11kanyang itinataas ang mga mapagpakumbaba,
at ang mga tumatangis ay itinataas sa katiwasayan.
12Kanyang binibigo ang mga pakana ng tuso,
anupa't ang kanilang mga kamay ay hindi nagkakamit ng tagumpay.
13Kanyang#1 Cor. 3:19 hinuhuli ang marunong sa kanilang sariling katusuhan;
at ang balak ng madaya ay dagling nawawakasan.
14Nakakasalubong nila sa araw ang kadiliman,
at nangangapa na gaya nang sa gabi kahit katanghalian.
15Ngunit siya'y nagliligtas mula sa tabak ng kanilang bibig,
at ang maralita mula sa kamay ng makapangyarihan.
16Kaya't ang dukha ay may pag-asa,
at itinitikom ng kawalang-katarungan ang bibig niya.
Ang Kagalingan ng Parusa
17“Narito,#Kaw. 3:11, 12; Heb. 12:5, 6 mapalad ang tao na sinasaway ng Diyos,
kaya't huwag mong hamakin ang pagtutuwid ng Makapangyarihan sa lahat.
18Sapagkat#Hos. 6:1 siya'y sumusugat, ngunit kanyang tinatalian;
siya'y nananakit, ngunit nagpapagaling ang kanyang mga kamay.
19Ililigtas ka niya mula sa anim na kaguluhan;
sa ikapito ay walang kasamaang gagalaw sa iyo.
20Sa taggutom ay tutubusin ka niya mula sa kamatayan;
at sa digmaan, mula sa tabak na makapangyarihan.
21Ikaw ay ikukubli mula sa hagupit ng dila;
at hindi ka matatakot sa pagkawasak kapag ito'y dumating.
22Sa pagkawasak at taggutom, ikaw ay tatawa,
at hindi ka matatakot sa mababangis na hayop sa lupa.
23Sapagkat ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;
at ang mga ganid sa parang sa iyo ay makikipagpayapaan.
24Malalaman mo na ang iyong tolda ay ligtas,
at dadalawin mo ang iyong kulungan, at walang nawawalang anuman.
25Malalaman mo rin na ang iyong lahi ay magiging marami,
at ang iyong supling ay magiging gaya ng damo sa lupa.
26Tutungo ka sa iyong libingan sa ganap na katandaan,
gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa giikan sa kanyang kapanahunan.
27Narito, siniyasat namin ito; ito ay totoo.
Dinggin mo, at alamin mo para sa kabutihan mo.”

Kasalukuyang Napili:

JOB 5: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in