Isang araw, muling dumating ang mga anak ng Diyos upang iharap ang kanilang sarili sa PANGINOON, at dumating din si Satanas upang iharap ang sarili sa PANGINOON. Sinabi ng PANGINOON kay Satanas, “Saan ka nanggaling?” Si Satanas ay sumagot sa PANGINOON, at nagsabi, “Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pamamanhik-manaog doon.” At sinabi ng PANGINOON kay Satanas, “Napansin mo ba ang aking lingkod na si Job, wala siyang katulad sa lupa, isang walang kapintasan at matuwid na lalaki, may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan? Siya'y nanatili pa rin sa kanyang katapatan, bagaman ako'y inudyukan mo laban sa kanya, upang sirain siya nang walang kadahilanan.” Si Satanas ay sumagot sa PANGINOON, “Balat sa balat! Lahat ng pag-aari ng tao ay ibibigay niya dahil sa kanyang buhay. Ngunit iunat mo ngayon ang iyong kamay, galawin mo ang kanyang buto at laman, at kanyang susumpain ka nang mukhaan.” At sinabi ng PANGINOON kay Satanas, “Siya'y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kanyang buhay.”
Basahin JOB 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: JOB 2:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas