Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 8:12-18

JUAN 8:12-18 ABTAG01

Muling nagsalita sa kanila si Jesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi kailanman lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.” Sinabi sa kanya ng mga Fariseo, “Nagpapatotoo ka tungkol sa iyong sarili; ang patotoo mo ay hindi totoo.” Sumagot si Jesus, “Kung ako ma'y nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay totoo; sapagkat nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako pupunta. Subalit hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako pupunta. Humahatol kayo ayon sa laman; ako'y hindi humahatol sa kaninuman. At kung ako'y humatol man, ang hatol ko'y totoo, sapagkat hindi ako nag-iisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin. Maging sa inyong kautusan ay nasusulat na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. Ako ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo tungkol sa akin.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa JUAN 8:12-18