Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 7:37-41

JUAN 7:37-41 ABTAG01

Nang huling araw ng dakilang araw ng pista, si Jesus ay tumayo at sumigaw na nagsasabi, “Kung ang sinuman ay nauuhaw, lumapit siya sa akin at uminom. Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buháy.’” Ngunit ito'y sinabi niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya, sapagkat hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu, sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati. Nang marinig ng ilan mula sa maraming tao ang mga salitang ito, sila ay nagsabi, “Tunay na ito nga ang propeta.” Sinasabi ng iba, “Ito ang Cristo.” Subalit sinasabi ng ilan, “Sa Galilea ba manggagaling ang Cristo?