Nang mahalata ni Jesus na sila'y lalapit at pipilitin siyang gawing hari, siya'y muling umalis na nag-iisa patungo sa bundok. Pagsapit ng gabi, lumusong ang kanyang mga alagad sa dagat. Sumakay sila sa isang bangka at pinasimulan nilang tawirin ang dagat hanggang sa Capernaum. Madilim na noon at hindi pa dumarating sa kanila si Jesus. Lumalaki ang mga alon sa dagat dahil sa malakas na hanging humihihip. Nang sila'y makasagwan na ng may lima hanggang anim na kilometro ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka. Sila'y natakot, subalit sinabi niya sa kanila, “Ako ito; huwag kayong matakot.” Kaya't malugod siyang tinanggap nila sa bangka at kaagad na dumating ang bangka sa lupang kanilang patutunguhan.
Basahin JUAN 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JUAN 6:15-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas