Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 17:13-19

JUAN 17:13-19 ABTAG01

Ngunit ngayon ay pupunta ako sa iyo. Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa sanlibutan, upang sila'y magkaroon ng aking kagalakang ganap sa kanilang sarili. Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita at napoot sa kanila ang sanlibutan, sapagkat hindi sila taga-sanlibutan, gaya ko naman na hindi taga-sanlibutan. Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. Hindi sila taga-sanlibutan, na gaya ko na hindi taga-sanlibutan. Pabanalin mo sila sa katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanlibutan, sila ay sinugo ko rin sa sanlibutan. At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay pabanalin sa katotohanan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa JUAN 17:13-19