Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 6:16-20

JEREMIAS 6:16-20 ABTAG01

Ganito ang sabi ng PANGINOON: “Tumayo kayo sa mga daan at tumingin, at ipagtanong ninyo ang mga sinaunang landas, kung saan naroon ang mabuting daan; at lumakad kayo roon, at kayo'y makakatagpo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Ngunit kanilang sinabi, ‘Hindi kami lalakad doon.’ Ako'y naglagay ng mga bantay sa inyo, na sinasabi, ‘Inyong pakinggan ang tunog ng trumpeta!’ Ngunit kanilang sinabi, ‘Hindi kami makikinig.’ Kaya't inyong pakinggan, mga bansa, at inyong alamin, O kapulungan, kung ano ang mangyayari sa kanila. Pakinggan mo, O lupa: ako'y nagdadala ng kasamaan sa bayang ito, na bunga ng kanilang mga pakana, sapagkat sila'y hindi nakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan, ito'y kanilang itinakuwil. Sa anong layunin nagdadala kayo sa akin ng insenso mula sa Sheba, o ng matamis na tubó mula sa malayong lupain? Ang inyong mga handog na sinusunog ay hindi maaaring tanggapin, ni ang inyo mang mga handog ay nakakalugod sa akin.