Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 49:12-18

JEREMIAS 49:12-18 ABTAG01

Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON: “Narito, silang hindi nahatulang uminom sa kopa ay tiyak na iinom, ikaw ba'y hahayong napawalang-sala? Ikaw ay hindi hahayong napawalang-sala, kundi tiyak na iinom ka. Sapagkat ako'y sumumpa sa aking sarili, sabi ng PANGINOON, na ang Bosra ay magiging katatakutan, kakutyaan, guho, at sumpa; at ang lahat ng mga lunsod nito ay magiging wasak magpakailanman.” Ako'y nakarinig ng balita mula sa PANGINOON, at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa: “Kayo'y magtipun-tipon at pumaroon laban sa kanya, at bumangon upang lumaban!” Sapagkat, narito, ginawa kitang maliit sa gitna ng mga bansa, at hamak sa gitna ng mga tao. Tungkol sa iyong kakilabutan, dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, ikaw na nakatira sa mga bitak ng bato, na humahawak sa kataasan ng burol. Bagaman pataasin mo ang iyong pugad na kasintaas ng sa agila, ibababa kita mula roon, sabi ng PANGINOON. “Ang Edom ay magiging katatakutan; bawat magdaraan doon ay mangingilabot at susutsot dahil sa lahat ng kapinsalaan nito. Gaya ng pagbagsak ng Sodoma at Gomorra, at ng mga karatig-bayan ng mga ito, sabi ng PANGINOON, walang sinumang mananatili roon, walang anak ng tao na maninirahan doon.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa JEREMIAS 49:12-18