Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 45

45
Ang Pangako ng Panginoon kay Baruc
1Ang#2 Ha. 24:1; 2 Cro. 36:5-7; Dan. 1:1, 2 salita na sinabi ni propeta Jeremias kay Baruc na anak ni Nerias, nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat mula sa bibig ni Jeremias, nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda, na sinasabi,
2“Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, sa iyo, O Baruc:
3Iyong sinabi, ‘Kahabag-habag ako! Sapagkat ang Panginoon ay nagdagdag ng kalungkutan sa aking sakit; ako'y pagod na sa pagdaing, at wala akong kapahingahan.’
4Ganito ang sasabihin mo sa kanya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, ang aking itinayo ay aking ibinabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin, ito'y ang buong lupain.
5At ikaw, naghahanap ka ba ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? Huwag mo nang hanapin ang mga iyon, sapagkat, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng laman, sabi ng Panginoon; ngunit ibibigay ko ang iyong buhay bilang gantimpala ng digmaan sa lahat ng dakong iyong pupuntahan.”

Kasalukuyang Napili:

JEREMIAS 45: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in