Ganito ang sabi ng PANGINOON: “Sumpain ang tao na nagtitiwala sa tao, at ginagawang kalakasan ang laman, at ang puso ay lumalayo sa PANGINOON. Sapagkat siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita ng anumang mabuting darating. Siya'y maninirahan sa mga tuyong dako sa ilang, sa lupang maalat at hindi tinatahanan. “Mapalad ang tao na nagtitiwala sa PANGINOON, at ang pag-asa ay ang PANGINOON. Sapagkat siya'y magiging tulad sa punungkahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at gumagapang ang mga ugat sa tabi ng batis, at hindi natatakot kapag dumarating ang init, sapagkat ang mga dahon nito ay nananatiling sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyo, sapagkat hindi ito tumitigil sa pamumunga.” Ang puso ay mandaraya kaysa lahat ng bagay, at lubhang napakasama; sinong makakaunawa nito? “Akong PANGINOON ay sumisiyasat ng pag-iisip, at sumusubok ng puso, upang ibigay sa lahat ang ayon sa kanilang mga lakad, ayon sa bunga ng kanyang mga gawa.”
Basahin JEREMIAS 17
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JEREMIAS 17:5-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas