Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 1:5-17

JEREMIAS 1:5-17 ABTAG01

“Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; hinirang kitang propeta sa mga bansa.” Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ah, Panginoong DIYOS! Tingnan mo, hindi ako marunong magsalita, sapagkat ako'y kabataan pa.” Ngunit sinabi sa akin ng PANGINOON, “Huwag mong sabihin, ‘Ako'y isang kabataan;’ sapagkat saanman kita suguin ay paroroon ka, at anumang iutos ko sa iyo ay sasabihin mo. Huwag kang matakot sa kanila, sapagkat ako'y kasama mo na magliligtas sa iyo, sabi ng PANGINOON.” Pagkatapos ay iniunat ng PANGINOON ang kanyang kamay at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng PANGINOON, “Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. Tingnan mo, inilagay kita sa araw na ito sa ibabaw ng mga bansa at ng mga kaharian, upang bumunot at magpabagsak, upang pumuksa at magwasak, upang magtayo at magtanim.” Dumating sa akin ang salita ng PANGINOON, na nagsasabi, “Jeremias, anong nakikita mo?” At aking sinabi, “Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro.” At sinabi ng PANGINOON sa akin, “Nakita mong mabuti, sapagkat pinagmamasdan ko ang aking salita upang isagawa ito.” Ang salita ng PANGINOON ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi, “Ano ang iyong nakikita?” At aking sinabi, “Ako'y nakakakita ng isang palayok na pinagpapakuluan, at nakaharap palayo sa hilaga.” At sinabi ng PANGINOON sa akin, “Mula sa hilaga ay lalabas ang kasamaan sa lahat ng naninirahan sa lupain. Sapagkat narito, tinatawag ko ang lahat ng mga angkan ng mga kaharian ng hilaga, sabi ng PANGINOON. Sila'y darating at bawat isa ay maglalagay ng kanya-kanyang trono sa pasukan ng mga pintuan ng Jerusalem, laban sa lahat ng pader nito sa palibot, at laban sa lahat ng mga lunsod ng Juda. At aking bibigkasin ang aking mga hatol laban sa kanila, dahil sa lahat nilang kasamaan sa pagtalikod sa akin. Sila'y nagsunog ng insenso sa ibang mga diyos, at nagsisamba sa mga gawa ng kanilang sariling mga kamay. Ngunit ikaw, magbigkis ka ng iyong mga balakang, tumindig ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang manghina sa harapan nila, baka ikaw ay papanghinain ko sa harapan nila.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa JEREMIAS 1:5-17