Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA HUKOM 6:12-16

MGA HUKOM 6:12-16 ABTAG01

Nagpakita ang anghel ng PANGINOON sa kanya, at sinabi sa kanya, “Ang PANGINOON ay sumasaiyo, ikaw na magiting na mandirigma.” Sinabi ni Gideon sa kanya, “Subalit ginoo, kung ang PANGINOON ay kasama namin, bakit ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? Nasaan ang lahat ng kanyang kamangha-manghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga ninuno, na sinasabi, ‘Hindi ba tayo iniahon ng PANGINOON mula sa Ehipto?’ Ngunit ngayo'y itinakuwil kami ng PANGINOON at ibinigay kami sa kamay ng Midian.” At bumaling sa kanya ang PANGINOON, at sinabi, “Humayo ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Midian. Hindi ba kita isinusugo?” Sinabi niya sa kanya, “Ngunit ginoo, paano ko maililigtas ang Israel? Ang aking angkan ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinakahamak sa sambahayan ng aking ama.” Sinabi ng PANGINOON sa kanya, “Subalit ako'y makakasama mo at iyong ibubuwal ang mga Midianita, bawat isa sa kanila.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA HUKOM 6:12-16

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya