Ang mga anak ni Israel ay muling gumawa ng kasamaan sa paningin ng PANGINOON; at ibinigay sila ng PANGINOON ng apatnapung taon sa kamay ng mga Filisteo. May isang lalaki sa Sora mula sa lipi ng mga Danita, na ang pangalan ay Manoa; at ang kanyang asawa ay baog, at hindi nagkaanak. At nagpakita ang anghel ng PANGINOON sa babae, at sinabi sa kanya, “Bagaman ikaw ay baog at walang anak, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki. Mag-ingat ka, huwag kang iinom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anumang bagay na marumi; ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki. Walang pang-ahit na daraan sa kanyang ulo sapagkat ang bata ay magiging Nazirita sa Diyos, mula sa sinapupunan, at kanyang pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.”
Basahin MGA HUKOM 13
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA HUKOM 13:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas