Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

SANTIAGO 1:9-12

SANTIAGO 1:9-12 ABTAG01

Ngunit ang kapatid na hamak ay hayaang magmalaki sa kanyang pagkakataas, at ang mayaman sa kanyang pagkaaba, sapagkat siya'y lilipas na gaya ng bulaklak sa parang. Sapagkat ang araw ay sumisikat na may nakakapasong init at tinutuyo ang damo at nilalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang kagandahan nito. Gayundin ang taong mayaman ay malalanta sa gitna ng kanyang abalang pamumuhay. Mapalad ang taong nagtitiis ng pagsubok, sapagkat kapag siya ay subok na, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagmamahal sa kanya.