Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 9:1-4

ISAIAS 9:1-4 ABTAG01

Gayunman ay hindi magkakaroon ng kapanglawan sa kanya na nasa pagkahapis. Nang unang panahon ay dinala niya sa paghamak ang mga lupain ng Zebulon at Neftali, ngunit sa huling panahon ay gagawin niyang maluwalhati ang daang patungo sa dagat, ang lupain sa kabila ng Jordan, ang Galilea ng mga bansa. Ang bayan na lumakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag; silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman, sa kanila sumikat ang liwanag. Iyong pinarami ang bansa, iyong pinarami ang kanilang kagalakan. Sila'y nagagalak sa harap mo gaya ng kagalakan sa pag-aani, gaya ng mga tao na nagagalak kapag kanilang pinaghahatian ang samsam. Sapagkat ang pamatok na kanyang pasan, at ang pingga sa kanyang balikat, ang panghampas ng nagpapahirap sa kanya, ay iyong sinira na gaya sa araw ng Midian.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ISAIAS 9:1-4