Bubuksan ko ba ang bahay-bata at hindi ko paaanakin? sabi ng PANGINOON; ako ba na nagpapaanak ang siyang magsasara ng bahay-bata? sabi ng iyong Diyos. “Kayo'y magalak na kasama ng Jerusalem, at matuwa dahil sa kanya, kayong lahat na umiibig sa kanya; magalak kayong kasama niya sa katuwaan, kayong lahat na tumatangis dahil sa kanya; upang kayo'y makasuso at mabusog mula sa kanyang nakaaaliw na mga suso; upang kayo'y ganap na makasipsip na may kasiyahan mula sa kasaganaan ng kanyang kaluwalhatian.” Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON: “Narito, ako'y magbibigay ng kapayapaan sa kanya na parang isang ilog, at ng kaluwalhatian ng mga bansa ay parang umaapaw na batis; at inyong sususuhin; kayo'y kakalungin sa kanyang balakang, at lilibangin sa kanyang mga tuhod. Gaya ng inaaliw ng kanyang ina, gayon ko aaliwin kayo; kayo'y aaliwin sa Jerusalem. Inyong makikita, at magagalak ang inyong puso; ang inyong mga buto ay giginhawang gaya ng sariwang damo; at malalaman na ang kamay ng PANGINOON ay nasa kanyang mga lingkod, at ang kanyang galit ay laban sa kanyang mga kaaway.
Basahin ISAIAS 66
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 66:9-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas