Aking aalalahanin ang kagandahang-loob ng PANGINOON, at ang mga kapurihan ng PANGINOON, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng PANGINOON sa amin, at ang dakilang kabutihan na kanyang ginawa sa sambahayan ni Israel na kanyang ipinagkaloob sa kanila ayon sa kanyang kaawaan, at ayon sa kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob. Sapagkat kanyang sinabi, “Tunay na sila'y aking bayan, mga anak na hindi gagawang may kasinungalingan; at siya'y naging kanilang Tagapagligtas. Sa lahat nilang pagdadalamhati ay nadalamhati siya, at iniligtas sila ng anghel na nasa kanyang harapan; sa kanyang pag-ibig at sa kanyang pagkaawa ay tinubos niya sila; at kanyang itinaas at kinalong sila sa lahat ng mga araw noong una.
Basahin ISAIAS 63
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 63:7-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas