Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 61:1-3

ISAIAS 61:1-3 ABTAG01

Ang Espiritu ng Panginoong DIYOS ay sumasaakin; sapagkat hinirang ako ng PANGINOON upang ipangaral ang mabuting balita sa inaapi kanyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magpahayag ng kalayaan sa mga bihag, at buksan ang bilangguan sa mga bilanggo; upang ihayag ang kalugud-lugod na taon ng PANGINOON, at ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos; upang aliwin ang lahat ng tumatangis; upang pagkalooban sila na tumatangis sa Zion— upang bigyan sila ng putong na bulaklak sa halip na mga abo, sa halip na pagtangis ay langis ng kagalakan, sa halip na lupaypay na diwa ay damit ng kapurihan, upang sila'y matawag na mga punungkahoy ng katuwiran, ang pananim ng PANGINOON, upang siya'y bigyan ng kaluwalhatian.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya