Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 58:6-13

ISAIAS 58:6-13 ABTAG01

“Hindi ba ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na kalasin ang mga panali ng pamatok, na palayain ang naaapi, at baliin ang bawat pamatok? Hindi ba ito ay upang ibahagi ang iyong tinapay sa nagugutom, at dalhin sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? Kapag nakakita ka ng hubad, iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong sariling laman? Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay magiging iyong bantay sa likod. Kung magkagayo'y tatawag ka at ang PANGINOON ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. “Kung iyong alisin sa gitna mo ang pamatok, ang pang-alipusta, at ang pagsasalita ng masama; kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong tugunin ang nais ng nagdadalamhati, kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang-tapat. At patuloy na papatnubayan ka ng PANGINOON, at masisiyahan ang iyong kaluluwa sa tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamanang nadilig, at parang bukal na ang tubig ay hindi nauubos. At mula sa inyo ay itatayo ang dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga saligan ng maraming salinlahi; at ikaw ay tatawaging tagapag-ayos ng sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. “Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng PANGINOON, at ito'y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ISAIAS 58:6-13