Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 53:2-3

ISAIAS 53:2-3 ABTAG01

Sapagkat siya'y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa. Siya'y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya, at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya. Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan; at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao, siya'y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.