Sapagkat tinulungan ako ng Panginoong DIYOS; kaya't hindi ako napahiya; kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong kiskisan, at alam ko na hindi ako mapapahiya. Siya na magpapawalang-sala sa akin ay malapit. Sinong makikipaglaban sa akin? Tayo'y tumayong magkakasama. Sino ang aking kaaway? Bayaang lumapit siya sa akin. Narito, tinutulungan ako ng Panginoong DIYOS; sino ang magsasabi na ako ay nagkasala? Tingnan mo, silang lahat ay malulumang parang bihisan; lalamunin sila ng tanga. Sino sa inyo ang natatakot sa PANGINOON, na sumusunod sa tinig ng kanyang lingkod, na lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag? Magtiwala siya sa pangalan ng PANGINOON, at umasa sa kanyang Diyos.
Basahin ISAIAS 50
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 50:7-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas