Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 50:1-4

ISAIAS 50:1-4 ABTAG01

Ganito ang sabi ng PANGINOON: “Nasaan ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kanya? O kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay ipinagbili kayo, at dahil sa inyong mga pagsuway ay inilayo ang ina ninyo. Bakit nang ako'y pumarito ay walang tao? Nang ako'y tumawag, bakit walang sumagot? Naging maikli na ba ang aking kamay, anupa't hindi makatubos? O wala akong kapangyarihang makapagligtas? Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking ginawang ilang ang mga ilog. Ang kanilang isda ay bumabaho sapagkat walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw. Aking binibihisan ng kaitiman ang langit, at aking ginagawang damit-sako ang kanyang panakip.” Binigyan ako ng Panginoong DIYOS ng dila ng mga naturuan, upang aking malaman kung paanong aalalayan ng mga salita ang nanlulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pandinig upang makinig na gaya ng mga naturuan.