Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 43:2-7

ISAIAS 43:2-7 ABTAG01

Kapag ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y makakasama mo; at sa pagtawid sa mga ilog ay hindi ka nila aapawan, kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; at hindi ka tutupukin ng apoy. Sapagkat ako ang PANGINOON mong Diyos, ang Banal ng Israel, ang iyong Tagapagligtas. Aking ibinigay ang Ehipto bilang pantubos sa iyo, ang Etiopia at ang Seba bilang kapalit mo. Sapagkat ikaw ay mahalaga sa aking paningin, at kagalang-galang, at minamahal kita, nagbibigay ako ng mga tao na pamalit sa iyo, at mga bayan na kapalit ng buhay mo. Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kita mula sa kanluran. Aking sasabihin sa hilaga, Hayaan mo, at sa timog, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalaki na sa malayo nagmula, at ang aking mga anak na babae na mula sa mga dulo ng lupa, bawat tinatawag sa aking pangalan, sila na aking nilikha ay para sa aking kaluwalhatian, oo, yaong aking inanyuan, oo, yaong aking ginawa.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya