Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 43:15-21

ISAIAS 43:15-21 ABTAG01

Ako ang PANGINOON, ang inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, ang inyong Hari.” Ganito ang sabi ng PANGINOON, na gumagawa ng daan sa dagat, at sa malalawak na tubig ay mga landas, na nagpalabas ng karwahe at kabayo, ng hukbo at ng mandirigma; sila'y magkasamang humihiga, hindi sila makabangon, sila'y namamatay, nauupos na parang mitsa. “Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay, o isaalang-alang man ang mga bagay nang una. Narito, ako'y gagawa ng isang bagong bagay; ngayon iyon ay lalabas; hindi ba ninyo malalaman iyon? Gagawa ako ng daan sa ilang, at ng mga ilog sa disyerto. Pararangalan ako ng mababangis na hayop ng mga asong-gubat at ng mga avestruz; sapagkat ako'y nagbibigay ng tubig sa ilang, at ng mga ilog sa disyerto, upang bigyan ng inumin ang pinili kong bayan, ang bayan na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang ipahayag ang aking kapurihan.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya