Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 43:14-18

ISAIAS 43:14-18 ABTAG01

Ganito ang sabi ng PANGINOON, na inyong Manunubos, ang Banal ng Israel: “Dahil sa inyo ay magsusugo ako sa Babilonia, at aking ibinaba silang lahat na parang mga palaboy, at ang sigawan ng mga Caldeo ay magiging panaghoy. Ako ang PANGINOON, ang inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, ang inyong Hari.” Ganito ang sabi ng PANGINOON, na gumagawa ng daan sa dagat, at sa malalawak na tubig ay mga landas, na nagpalabas ng karwahe at kabayo, ng hukbo at ng mandirigma; sila'y magkasamang humihiga, hindi sila makabangon, sila'y namamatay, nauupos na parang mitsa. “Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay, o isaalang-alang man ang mga bagay nang una.