Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 42:5-9

ISAIAS 42:5-9 ABTAG01

Ganito ang sabi ng Diyos, ang PANGINOON, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga iyon; siyang naglatag ng lupa at ang nagmula rito, siyang nagbibigay ng hininga sa mga tao nito, at ng espiritu sa kanila na nagsisilakad dito: “Ako ang PANGINOON, tinawag ko kayo sa katuwiran, kinuha ko kayo sa pamamagitan ng kamay, at kayo'y iniingatan, at ibinigay kita sa bayan bilang tipan, isang liwanag sa mga bayan, upang imulat ang mga bulag na mata, upang ilabas ang mga bilanggo sa bilangguan, at silang nakaupo sa kadiliman mula sa bilangguan. Ako ang PANGINOON, iyon ang aking pangalan; hindi ko ibibigay sa iba ang aking kaluwalhatian, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. Narito, ang mga dating bagay ay lumipas na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko; bago sila lumitaw ay sinasabi ko sa inyo ang tungkol sa kanila.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ISAIAS 42:5-9