Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 42:1-3

ISAIAS 42:1-3 ABTAG01

Narito ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya; siya'y maglalapat ng katarungan sa mga bansa. Siya'y hindi sisigaw, o maglalakas man ng tinig, o ang kanyang tinig man sa lansangan ay iparirinig. Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang mitsa na bahagyang nagniningas ay hindi niya papatayin; siya'y tapat na maglalapat ng katarungan.