Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 28

28
Babala sa Efraim
1Kahabag-habag ang palalong korona ng mga maglalasing ng Efraim,
at sa kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan,
na nasa ulunan ng mayamang libis na nadaig ng alak!
2Ang Panginoon ay may isa na makapangyarihan at malakas;
na tulad ng bagyo ng yelo, isang mangwawasak na bagyo,
parang bagyo ng malakas at bumabahang mga tubig,
kanyang ibubuwal sa lupa sa pamamagitan ng kanyang kamay.
3Ang palalong korona ng mga maglalasing ng Efraim
ay mayayapakan ng paa,
4at ang kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan,
na nasa ulunan ng mayamang libis,
ay magiging gaya ng unang hinog na bunga ng igos bago magtag-init:
kapag ito'y nakikita ng tao,
kinakain niya ito paglapat nito sa kanyang kamay.
5Sa araw na iyon ay magiging korona ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo,
at putong ng kagandahan, sa nalabi sa kanyang bayan;
6at espiritu ng katarungan sa kanya na nakaupo sa paghatol,
at lakas sa kanila na nagpaurong ng labanan sa pintuan.
7Ang mga ito ay sumusuray din dahil sa alak,
at dahil sa matapang na alak ay pahapay-hapay;
ang pari at ang propeta ay sumusuray dahil sa matapang na alak,
sila'y nililito ng alak,
sila'y pahapay-hapay dahil sa matapang na alak;
sila'y nagkakamali sa pangitain,
sila'y natitisod sa paghatol.
8Sapagkat lahat ng mga hapag ay punô ng suka,
walang dakong walang karumihan.
9“Kanino siya magtuturo ng kaalaman?
At kanino niya ipapaliwanag ang balita?
Sa mga inilayo sa gatas,
at inihiwalay sa suso?
10Sapagkat tuntunin sa tuntunin, tuntunin sa tuntunin,
bilin at bilin, bilin at bilin;
dito'y kaunti, doo'y kaunti.”
11Hindi,#1 Cor. 14:21 kundi sa pamamagitan ng mga utal na labi
at ng ibang wika ay magsasalita ang Panginoon sa bayang ito,
12na sa kanya'y sinabi niya,
“Ito ang kapahingahan,
papagpahingahin ninyo ang pagod;
at ito ang kaginhawahan;”
gayunma'y hindi nila pinakinggan.
13Kaya't ang salita ng Panginoon
ay magiging sa kanila'y tuntunin sa tuntunin, tuntunin sa tuntunin,
bilin at bilin, bilin at bilin;
dito'y kaunti, doo'y kaunti;
upang sila'y makahayo, at umatras,
at mabalian, at masilo, at mahuli.
14Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, kayong mga mangungutya,
na namumuno sa bayang ito sa Jerusalem!
15Sapagkat inyong sinabi, “Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan,
at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo;
kapag ang mahigpit na hagupit ay dumaan,
ito'y hindi darating sa atin;
sapagkat ating ginawang kanlungan ang mga kabulaanan,
at sa ilalim ng kasinungalingan ay nagkubli tayo.”
16Kaya't#Awit 118:22, 23; Ro. 9:33; 10:11; 1 Ped. 2:6 ganito ang sabi ng Panginoong Diyos,
“Aking inilalagay sa Zion bilang pundasyon ang isang bato,
isang batong subok,
isang mahalagang batong panulok, na isang tiyak na pundasyon:
‘Siyang naniniwala ay hindi magmamadali.’
17At aking ilalagay na pising panukat ang katarungan,
at ang katuwiran bilang pabigat;
at papalisin ng yelo ang kanlungan ng mga kabulaanan,
at aapawan ng tubig ang kanlungan.”
18At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan,
at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi;
kapag ang mahigpit na hagupit ay dumaraan,
kayo nga'y ibabagsak niyon.
19Sa tuwing daraan kayo, tatangayin kayo niyon,
sapagkat tuwing umaga ay daraan iyon,
sa araw at sa gabi.
at magiging kakilakilabot na maunawaan ang balita.
20Sapagkat ang higaan ay napakaikli upang makaunat ang isa,
at ang kumot ay napakakitid upang maibalot sa kanya.
21Sapagkat#2 Sam. 5:20; 1 Cro. 14:11; Jos. 10:10-12 ang Panginoon ay babangon na gaya sa Bundok ng Perasim,
siya'y mapopoot na gaya sa libis ng Gibeon;
upang gawin ang kanyang gawain—kataka-taka ang kanyang gawa!
at upang gawin ang kanyang gawain—kakaiba ang kanyang gawain!
22Kaya't ngayo'y huwag kayong manuya,
baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay,
sapagkat ako'y nakarinig ng utos ng pagwasak,
mula sa Panginoong Diyos ng mga hukbo, sa buong lupa.
23Makinig kayo, at pakinggan ninyo ang aking tinig,
inyong dinggin, at pakinggan ang aking pananalita.
24Nag-aararo bang lagi ang mag-aararo upang maghasik?
Patuloy ba niyang binubungkal at dinudurog ang kanyang lupa?
25Kapag kanyang napatag ang ibabaw niyon
hindi ba niya binibinhian ng eneldo, at ipinupunla ang binhing komino,
at inihahanay ang trigo,
at ang sebada sa tamang lugar,
at ang espelta bilang hangganan niyon?
26Sapagkat siya'y naturuan ng matuwid,
ang kanyang Diyos ang nagtuturo sa kanya.
27Ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na mabigat,
o ang gulong man ng karwahe ay iginugulong sa komino;
kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod,
at ang komino ay ng pamalo.
28Ang trigo ay dinudurog upang gawing tinapay,
sapagkat ito'y hindi laging ginigiik,
kapag ito'y kanyang pinagulungan ng kanyang karwahe
at ng kanyang mga kabayo, hindi niya ito nadudurog.
29Ito man ay mula rin sa Panginoon ng mga hukbo;
siya'y kahanga-hanga sa payo,
at nangingibabaw sa karunungan.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 28: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in