Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 25:1-9

ISAIAS 25:1-9 ABTAG01

O PANGINOON, ikaw ay Diyos ko; aking dadakilain ka, aking pupurihin ang pangalan mo; sapagkat ikaw ay gumawa ng kagila-gilalas na bagay, samakatuwid ay ang iyong binalak noong una, tapat at tiyak. Sapagkat iyong ginawang isang bunton ang lunsod, ang bayang matibay ay ginawang isang guho; ang palasyo ng mga dayuhan ay di na bayan, ito'y hindi na maitatayo kailanman. Kaya't luluwalhatiin ka ng malalakas na mamamayan, ang mga lunsod ng malulupit na mga bansa ay matatakot sa iyo. Sapagkat ikaw sa mga dukha ay naging kanlungan, isang kanlungan sa nangangailangan sa kanyang kahirapan, silungan sa bagyo at lilim sa init, sapagkat ang ihip ng mga malulupit ay parang bagyo laban sa pader, gaya ng init sa tuyong dako. Sinupil mo ang ingay ng mga dayuhan; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, ang awit ng mga malulupit ay napatahimik. At sa bundok na ito ay gagawa ang PANGINOON ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan ng isang kapistahan ng matatabang bagay, ng isang kapistahan ng mga nilumang alak, ng matatabang bagay na punô ng utak, ng mga lumang alak na totoong dinalisay. At kanyang wawasakin sa bundok na ito ang takip na inilagay sa lahat ng mga bayan, at ang lambong na iniladlad sa lahat ng bansa. Lulunukin niya ang kamatayan magpakailanman at papahirin ng Panginoong DIYOS ang mga luha sa lahat ng mga mukha. Ang paghamak sa kanyang bayan ay maaalis sa buong lupa, sapagkat ang PANGINOON ang nagsalita. At sasabihin sa araw na iyon, “Ito'y ating Diyos; hinintay natin siya at ililigtas niya tayo. Ito ang PANGINOON; ating hinintay siya, tayo'y matuwa at magalak sa kanyang pagliligtas.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ISAIAS 25:1-9