Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 15

15
Ang Pahayag tungkol sa Moab
1Ang#Isa. 25:10-12; Jer. 48:1-47; Ez. 25:8-11; Amos 2:1-3; Sef. 2:8-11 pahayag tungkol sa Moab.
Sapagkat sa loob ng isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba,
ang Moab ay wala na;
sapagkat sa loob ng isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab,
ang Moab ay wala na.
2Ang anak na babae ng Dibon ay umahon
sa matataas na dako upang umiyak;
tinatangisan ng Moab ang Nebo at Medeba.
Ang lahat ng ulo ay kalbo,
bawat balbas ay ahit.
3Sa kanilang mga lansangan ay nagbibigkis sila ng damit-sako,
sa mga bubungan at sa mga liwasan,
tumatangis ang bawat isa at natutunaw sa pag-iyak.
4Ang Hesbon at ang Eleale ay sumisigaw,
ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahaz.
Kaya't ang mga lalaking may sandata sa Moab ay sumigaw nang malakas;
ang kanyang kaluluwa ay nanginginig.
5Ang aking puso ay dumadaing para sa Moab;
ang kanyang mga tao ay nagsisitakas sa Zoar,
sa Eglat-shelishiya.
Sapagkat sa ahunan sa Luhith
ay umaahon silang nag-iiyakan;
sa daan patungong Horonaim
ay humahagulhol sila sa kapahamakan.
6Ang mga tubig ng Nimrim
ay natuyo,
ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta,
walang sariwang bagay.
7Kaya't ang kasaganaan na kanilang tinamo,
at ang kanilang tinipon
ay kanilang dinala
sa Sapa ng Sauce.
8Sapagkat ang daing ay nakarating
sa paligid ng lupain ng Moab;
ang pagtangis ay nakakarating hanggang sa Eglaim,
ang pagtangis ay nakakarating hanggang sa Beer-elim.
9Sapagkat ang mga tubig ng Dimon ay punô ng dugo,
gayunma'y magpapadala pa ako sa Dimon ng higit pa,
isang leon para sa nakatakas sa Moab,
para sa nalabi sa lupain.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 15: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in