At sa araw na iyon ay iyong sasabihin, “Ako'y magpapasalamat sa iyo, O PANGINOON, bagaman ikaw ay nagalit sa akin, ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako. “Ang Diyos ay aking kaligtasan; ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot sapagkat ang PANGINOONG Diyos ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.” Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan. At sa araw na iyon ay inyong sasabihin, “Magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y tumawag sa kanyang pangalan, ipaalam ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bansa, ipahayag ninyo na ang kanyang pangalan ay marangal. “Umawit kayo sa PANGINOON; sapagkat siya'y gumawang may kaluwalhatian, ipaalam ito sa buong lupa. Sumigaw ka at umawit nang malakas, ikaw na naninirahan sa Zion, sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa gitna mo.”
Basahin ISAIAS 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: ISAIAS 12:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas