ISAIAS 1
1
1Ang#2 Ha. 15:1-7; 2 Cro. 26:1-23; 2 Ha. 15:32-38; 2 Cro. 27:1-9; 2 Ha. 16:1-20; 2 Cro. 28:1-27; 2 Ha. 18:1–20:21; 2 Cro. 29:1–32:33 pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na kanyang nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga araw nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias, mga hari ng Juda.
Ang Sumbat sa Bayan ng Diyos
2Dinggin mo, O langit, at pakinggan mo, O lupa,
sapagkat nagsalita ang Panginoon:
“Ako'y nag-alaga at nagpalaki ng mga anak,
ngunit sila'y naghimagsik laban sa akin.
3Nakikilala ng baka ang kanyang panginoon,
at ng asno ang sabsaban ng kanyang panginoon
ngunit ang Israel ay hindi nakakakilala,
ang bayan ko ay hindi nakakaunawa.”
4Ah, bansang makasalanan,
bayang punô ng kasamaan,
anak ng mga gumagawa ng kasamaan,
mga anak na gumagawa ng kabulukan!
Tinalikuran nila ang Panginoon,
hinamak nila ang Banal ng Israel,
sila'y lubusang naligaw.
5Bakit kayo'y hahampasin pa,
na kayo'y patuloy sa paghihimagsik?
Ang buong ulo ay may sakit,
at ang buong puso ay nanghihina.
6Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo
ay walang kagalingan,
kundi mga sugat, mga galos,
at sariwang latay;
hindi pa naaampat, o natalian man,
o napalambot man ng langis.
7Ang inyong lupain ay giba,
ang inyong mga lunsod ay tupok ng apoy;
ang inyong lupain ay nilalamon ng mga dayuhan sa inyong harapan;
iyon ay giba, tulad nang winasak ng mga dayuhan.
8At ang anak na babae ng Zion ay naiwang parang kubol sa isang ubasan,
parang kubo sa taniman ng mga pipino,
parang lunsod na nakubkob.
9Malibang#Gen. 19:24; Ro. 9:29 ang Panginoon ng mga hukbo
ay mag-iwan sa atin ng ilang nakaligtas
naging gaya sana tayo ng Sodoma,
at naging gaya sana tayo ng Gomorra.
10Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon,
kayong mga pinuno ng Sodoma!
Makinig kayo sa kautusan ng ating Diyos,
kayong bayan ng Gomorra!
11“Ano#Amos 5:21, 22 sa akin ang dami ng inyong mga handog?
sabi ng Panginoon;
punô na ako sa mga lalaking tupa na handog na sinusunog,
at ang taba ng mga pinatabang baka;
at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro,
mga kordero at ng mga kambing na lalaki.
12“Nang kayo'y dumating upang tingnan ang aking mukha,
sinong humiling nito mula sa inyong kamay
na inyong yurakan ang aking mga bulwagan?
13Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay;
ang insenso ay karumaldumal sa akin.
Ang bagong buwan, ang Sabbath, at ang pagtawag ng mga kapulungan—
hindi ko na matiis ang kasamaan at ang banal na pagpupulong.
14Ang aking kaluluwa ay namumuhi sa inyong mga bagong buwan at sa inyong mga takdang kapistahan,
ang mga iyan ay pasanin para sa akin.
Ako'y pagod na sa pagpapasan ng mga iyan.
15Kapag inyong iniunat ang inyong mga kamay,
ikukubli ko ang aking mga mata sa inyo;
kahit na marami ang inyong panalangin,
hindi ako makikinig;
ang inyong mga kamay ay punô ng dugo.
16Maghugas kayo ng inyong sarili, maglinis kayo;
alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa
sa aking paningin;
tumigil kayo sa paggawa ng kasamaan,
17matuto kayong gumawa ng mabuti;
inyong hanapin ang katarungan,
inyong ituwid ang paniniil;
inyong ipagtanggol ang mga ulila,
ipaglaban ninyo ang babaing balo.
18“Pumarito kayo ngayon, at tayo'y mangatuwiran sa isa't isa,
sabi ng Panginoon:
bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula,
ang mga ito'y magiging mapuputi na parang niyebe;
bagaman ito'y mapulang-mapula,
ang mga ito'y magiging parang balahibo ng tupa.
19Kung kayo'y sasang-ayon at magiging masunurin,
kayo'y kakain ng mabubuting bagay ng lupain;
20ngunit kung kayo'y magsitanggi at maghimagsik,
kayo'y lalamunin ng tabak;
sapagkat ang bibig ng Panginoon ang nagsalita.”
Ang Makasalanang Lunsod
21Paanong ang tapat na lunsod
ay naging upahang babae,#1:21 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw.
siya na puspos ng katarungan!
Ang katuwiran ay tumatahan sa kanya,
ngunit ngayo'y mga mamamatay-tao.
22Ang iyong pilak ay naging dumi,
ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.
23Ang iyong mga pinuno ay mga rebelde,
at kasama ng mga mapaghimagsik.
Bawat isa'y nagnanais ng mga suhol,
at naghahangad ng mga regalo.
Hindi nila ipinagtatanggol ang ulila,
o nakakarating man sa kanila ang usapin ng babaing balo.
24Kaya't ang Panginoon, Diyos ng mga hukbo, ang Makapangyarihan ng Israel, ay nagsasabi,
“Ah, aking ibubuhos ang aking poot sa aking mga kaaway,
at maghihiganti ako sa aking mga kaaway.
25Aking ibabaling ang aking kamay laban sa iyo,
at aking sasalaing lubos ang iyong dumi tulad ng lihiya,
at aalisin ko ang lahat ng iyong tingga.
26At aking ibabalik ang iyong mga hukom na gaya ng una,
at ang iyong mga tagapayo na tulad ng pasimula.
Pagkatapos ay tatawagin kang lunsod ng katuwiran,
ang tapat na lunsod.”
27Ang Zion ay tutubusin ng katarungan,
at ang kanyang mga nanunumbalik sa pamamagitan ng katuwiran.
28Ngunit magkasamang lilipulin ang mga mapaghimagsik at mga makasalanan,
at silang tumalikod sa Panginoon ay magwawakas.
29Ngunit ikahihiya mo ang mga punungkahoy
na inyong kinagigiliwan;
at kayo'y mapapahiya dahil sa inyong piniling mga halamanan.
30Sapagkat kayo'y magiging parang kahoy#1:30 o ensina.
na ang dahon ay nalalanta,
at parang halamanan na walang tubig.
31Ang malakas ay magiging parang bagay na madaling masunog,
at ang kanyang gawa ay parang kislap,
at kapwa sila magliliyab
at walang papatay sa apoy.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 1: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001