Kaya't habang nananatiling bukas ang pangakong makapasok sa kanyang kapahingahan, mag-ingat tayo na baka sinuman sa inyo ay hindi makaabot doon. Sapagkat dumating sa atin ang magandang balita, gaya rin naman sa kanila, ngunit hindi nila pinakinabangan ang pangangaral na narinig nila, sapagkat hindi sila naging kalakip sa pamamagitan ng pananampalataya ng mga taong nakarinig. Sapagkat tayong sumasampalataya ay pumapasok sa kapahingahang iyon, gaya ng sinabi ng Diyos, “Gaya ng aking isinumpa sa aking pagkagalit, sila'y hindi papasok sa aking kapahingahan,” bagama't ang mga gawa niya mula nang itatag ang sanlibutan ay natapos na. Sapagkat sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, “At nagpahinga ang Diyos nang ikapitong araw sa lahat ng kanyang mga gawa.” At sa dakong ito ay muling sinabi, “Sila'y hindi papasok sa aking kapahingahan.” Kaya't yamang nananatiling bukas para sa ilan upang makapasok doon, at ang mga pinangaralan ng magandang balita nang una ay hindi nakapasok dahil sa pagsuway, siya ay muling nagtakda ng isang araw, “Ngayon,” na pagkatapos ng ilang panahon ay sinabi sa pamamagitan ni David, gaya ng sinabi noong una, “Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.” Sapagkat kung sila ay nabigyan ni Josue ng kapahingahan, hindi na sana nagsalita ang Diyos tungkol sa ibang araw pagkatapos ng mga ito.
Basahin HEBREO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: HEBREO 4:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas